Ang Lingap Pangkabuhayan ni Nanay ay isang pautang na tulong pinansyal sa mga tao na meron ng negosyo na nagnanais na madagdagan ang kanilang puhunan para mapalago pa ang kanilang hanap buhay. Maari pong kumuha ng application form at mag-apply sa LMD - PESO o di kaya ay sa opisina ng Provincial Agriculture.
ANU ANU ANG MGA REQUIREMENTS NA KINAKAILANGAN?
Kung ito ay mas mababa sa Php. 10,000.00
- Accomplished Application Form
- ID Picture (2x2)
- Picture of applicant together with business
Kung ito ay mas malaki sa Php. 10,000.00
- Accomplished Application Form
- ID Picture (2x2)
- Picture of applicant together with business
- Project Proposal
- Business Permit and other licenses (Mayor's Permit, DTI registration, Registration required by Government in performing business)
PAANO MAG-AAPLY?
- Kumuha ng application form sa ating LMD-PESO o sa Provincial Agriculture's Office at sagutan ito.
- Kumpletuhin ang mga kina-kailangang requirements.
- Ipasa ito sa LMD-PESO o sa Provincial Agriculture Office.
- Antayin lamang po ang text o tawag ng ating Lingap Secretariat kung naaprubahan ang inyong application at kung kailan marerelease ang inyong cheke.
- Ang application form ay "Pre-Numbered" kaya hindi ito pwedeng ipasa sa ibang tao.
- Mayroon lamang po tayong 15 araw upang maipasa ang application form kasama ang mga requirements.
- Ang application na kulang ang mga kina-kailangang requirements ay hindi po tatanggapin.
No comments:
Post a Comment