Friday, November 28, 2014

Barangay Health Workers Convention




Pakikipagtulungan ng ating butihing Governor Nanay Carmencita Reyes, ang ating abang lingkod Congresswoman Ate Gina Reyes at Department of Health Region IV-B Regional Director Eduardo Janairo ay namigay ng cellphone, nebulizer at mga gamot sa humigit kumulang na isang libong Barangay Health Workers sa ating lalawigan.

Ang programang ito ay naglalayon na magkaroon ng agarang lunas ang ating mga kababayang may sakit na nasa malayong barangay.

Wednesday, November 26, 2014

New Legislative Building


Ginanap ang inagurasyon ng bagong dalawang palapag na gusali ng Legislative Building sa pangunguna ng ating butihing Governor Nanay Carmencita Reyes kasama si Vice Governor Jun Bacorro at mga miyembro ng Sanguniang Panlalawigan.

Sa maikling talumpati ng ating butihing Gobernadora, hinikayat niya ang mga miyembro ng Sanguniang Panlalawigan na mas paigtingin ang mga batas na kanilang imumungkahi upang mas maitaas ang antas ng pamumuhay ng ating mga kababayan.



Tuesday, November 18, 2014

Community Base Monitoring System






Pinangunahan ng ating Governor Nanay Carmencita Reyes ang pamimigay ng Financial Assistance para sa mga kabataan na miyembro ng CBMS o Community Base Monitoring System.

Wednesday, November 12, 2014

Gil Net Distribution


Kamakailan ay namigay ang ating butihing Governor Nanay carmencita Reyes kasama ang ating abang lingkod Congresswoman Ate Gina Reyes ng mga mga lambat na gagamitin ng ating mga mangingisda sa Barangay Laylay Boac, Marinduque.


Tuesday, November 11, 2014

Jetmatic Pump para sa Bayan ng Gasan



Sa pakikipagtulungan ng ating butihing Governor Nanay Carmecita Reyes at ang ating abang lingkod Congresswoman Ate Gina Reyes ay namahagi kanina ng mga Jetmatic Water Pump sa iba't ibang barangay sa bayan ng Gasan.


Tuesday, November 4, 2014

Non Uniform Personnel (NUP)


Nag Courtesy Call sa opisina ng ating butihing Governor Nanay Carmencita Reyes ang mga Non Uniform Personnel (NUP) ng Philippine National Police kasama ang ating PNP Provincial Director Lorezo Holanday Jr.



Maraming Salamat po sa inyong lahat! Mabuhay po kayo!


Lingap ni Nanay


Pinangunahan ng ating butihing Governor Nanay Carmencita Reyes ang pamamahagi ng Cash Grant para sa Lingap ni Nanay Program.


Ang programang ito ay naglalayong pahiramin sa ating mga kababayan ng dagdag puhunan sa kanilang mga negosyo.