Friday, February 27, 2015

Senior Citizen Financial Assistance Distribution



Noong nakaraang biyernes, February 27. Ang ating butihing Governor Nanay Carmencita Reyes kasama ang ating Congresswoman Ate Gina Reyes ay nagkaroon ng distribution ng Financial Assistance para sa ating minamahal na Senior Citizen sa ating lalawigan. 


Maraming maraming salamat po sa lahat ng dumalo at naki-isa sa okasyong ito. Sige Marinduque!



Thursday, February 26, 2015

Lingap Pangkabuhayan ni Nanay Program




Ang Lingap Pangkabuhayan ni Nanay ay isang pautang na tulong pinansyal sa mga tao na meron ng negosyo na nagnanais na madagdagan ang kanilang puhunan para mapalago pa ang kanilang hanap buhay. Maari pong kumuha ng application form at mag-apply sa LMD - PESO o di kaya ay sa opisina ng Provincial Agriculture.


ANU ANU ANG MGA REQUIREMENTS NA KINAKAILANGAN?

Kung ito ay mas mababa sa Php. 10,000.00
  • Accomplished Application Form 
  • ID Picture (2x2)
  • Picture of applicant together with business


Kung ito ay mas malaki sa Php. 10,000.00
  • Accomplished Application Form
  • ID Picture (2x2)
  • Picture of applicant together with business
  • Project Proposal
  • Business Permit and other licenses (Mayor's Permit, DTI registration, Registration required by Government in performing business)

PAANO MAG-AAPLY?
  • Kumuha ng application form sa ating LMD-PESO o sa Provincial Agriculture's Office at sagutan ito.
  • Kumpletuhin ang mga kina-kailangang requirements.
  • Ipasa ito sa LMD-PESO o sa Provincial Agriculture Office.
  • Antayin lamang po ang text o tawag ng ating Lingap Secretariat kung naaprubahan ang inyong application at kung kailan marerelease ang inyong cheke.

TANDAAN LAMANG PO!
  • Ang application form ay "Pre-Numbered" kaya hindi ito pwedeng ipasa sa ibang tao.
  • Mayroon lamang po tayong 15 araw upang maipasa ang application form kasama ang mga requirements.
  • Ang application na kulang ang mga kina-kailangang requirements ay hindi po tatanggapin.
 






Walong Milyong Pondo para sa Educational Assistance Program



Sa pangunguna ng inyong Congresswoman Ate Gina Reyes, kasama po ang inyong butihing Governor Carmencita Reyes kaisa ang Commission on Higher Education (CHED).


Naglaan ng humigit Walong (8) Milyong pisong pondo ang ahensya para sa Educational Assistance ng ating masisipag at minamahal na mag-aaral ng Marinduque State College.

Ang inyong tagumpay ay tagumpay na rin ng ating buong lalawigan! Mabuhay kayo mga minamahal kong mag-aaral!

Sige Marinduque!

Wednesday, February 25, 2015

Lingap Pangkabuhayan ni Nanay



Muli pong nagkaroon ng distribution ang ating butihing Governor Nanay Carmencita O Reyes para sa mga benepisaryo ng "Lingap Pangkabuhayan ni Nanay".


Ito po ay programa ng LMD-PESO at ng Provincial Agriculture para sa ating mga kababayang may negosyo na nagnanais na madagdagan ang kanilang puhunan para mapalago pa ang kanilang hanapbuhay.

Para po sa mga gustong mag apply sa programang ito, Maari lamang po kayong magtungo sa LMD-PESO Office, Provincial Agriculture Office at sa Provincial Governors Office.
Maraming Salamat at Sige Marinduque! 

Friday, February 6, 2015

Pagsalubong sa ating Kapatid na Eduardo V. Manalo


Sinalubong ng ating minamahal na Governor Nanay Carmencita Reyes kasama ang ating Congresswoman Ate Gina Reyes ang Tagapamahalang Pangkalahatan ng Iglesia ni Cristo na si Kapatid na Eduardo V. Manalo! heart emoticon