BOAC, Marinduque, Nob 19 (PIA) --- Tumanggap ng pagkilala
ang Public Employment Services Office (PESO) ng Marinduque bilang top
regional performer sa 3rd hanggang 5th Class Provincial Category sa nakaraang
14th National PESO Congress ng Department of Labor and Employment (DOLE).
Dahil dito, nangako sina PESO Officer Erma Reyes na
pag-iibayuhin pa nila ang pakikipag-ugnayan sa iba pang opisina ,
establisimento at kumpanya para ang mga kababayang walang pang trabaho ay
may mapasukan.
Ang mga PESO tulad sa Marinduque ang nangunguna sa
pagtatatanggol ng karapatang manggagawa, pagbubukas ng oportunidad sa kabuhayan
at iba pang isyu sa paggawa.
Bukod dito, nag-iingat ng mga data ang PESO hinggil sa
skills ng mga kababayan sa bawat lalawigan, lungsod at bayan. Handa rin
magbigay ng pagsasanay gaya ng pangangapintero sa mga kababayan kabilang na rito
ang mga out-of-school youth (mga kabataang nakatambay). Nagsisilbi din ang mga
PESO na protektahan ang mga kababayan laban sa illegal recruitment.
Sa nakaraang PESO Congress, napansin ng kanilang mga
kasamahan ang kahusayan ng PESO-Marinduque sa referral and placement, career
coaching and counselling, job market info, skills registry at iba pang
serbisyo.
Ayon kay Reyes, maganda ang relasyon ng PESO sa mga
malalaking kumpanya gaya ng Coca-Cola, mga construction companies, Bureau
of Internal Revenue at maging ang Department of Social Welfare and Development
na pare-parehong nangailangan din ng mga manggagawa.
Naghahanda ngayon ang PESO Marinduque sa nalalapit na
implementasyon ng mga pang-barangay na programa gaya ng Walang Tambay sa
Barangay Program at PESO on Wheels para mabigyan ng skills o pagkakataon ang
mga kababayang wala pang hanap-buhay hanggang ngayon. (LP/MNL/PIA4B/Marinduque)