Tuesday, October 28, 2014

PESO-Marinduque, pinarangalan ng DOLE



BOAC, Marinduque, Nob 19 (PIA) --- Tumanggap ng pagkilala ang Public Employment Services Office (PESO)  ng Marinduque bilang top regional performer sa 3rd hanggang 5th Class Provincial Category sa nakaraang 14th National PESO Congress ng Department of Labor and Employment (DOLE).

Dahil dito, nangako sina PESO Officer Erma Reyes na pag-iibayuhin pa nila ang pakikipag-ugnayan sa iba pang opisina , establisimento at kumpanya para ang mga  kababayang walang pang trabaho ay may mapasukan.

Ang mga PESO tulad sa Marinduque ang nangunguna sa pagtatatanggol ng karapatang manggagawa, pagbubukas ng oportunidad sa kabuhayan at iba pang isyu sa paggawa.

Bukod dito, nag-iingat ng mga data ang PESO hinggil sa skills ng mga kababayan sa bawat lalawigan, lungsod at bayan. Handa rin magbigay ng pagsasanay gaya ng pangangapintero sa mga kababayan kabilang na rito ang mga out-of-school youth (mga kabataang nakatambay). Nagsisilbi din ang mga PESO na protektahan ang mga kababayan laban sa illegal recruitment.

Sa nakaraang PESO Congress, napansin ng kanilang mga kasamahan ang kahusayan ng PESO-Marinduque sa referral and placement, career coaching and counselling, job market info, skills registry at iba pang serbisyo.

Ayon kay Reyes, maganda ang relasyon ng PESO sa mga malalaking kumpanya gaya ng  Coca-Cola, mga construction companies, Bureau of Internal Revenue at maging ang Department of Social Welfare and Development na pare-parehong nangailangan din ng mga manggagawa.         
Naghahanda ngayon ang PESO Marinduque sa nalalapit na implementasyon ng mga pang-barangay na programa gaya ng Walang Tambay sa Barangay Program at PESO on Wheels para mabigyan ng skills o pagkakataon ang mga kababayang wala pang hanap-buhay hanggang ngayon. (LP/MNL/PIA4B/Marinduque)

No comments:

Post a Comment