IPINATUPAD na ang Municipal Ordinance No. 86-S2014 o
Smoke-free environment Municipality na nagbabawal ang paninigarilyo sa buong
bayan ng Sta. Cruz, Marinduque, gayundin ang pagbebenta ng sigarilyo malapit sa
eskwelahan, pampublikong playground o iba pang lugar na madalas pasyalan ng mga
menor-de-edad.
Batay sa ordinansa, ang sinomang mahuhuli na nanigarilyo ay
papatawan ng parusang “warning” sa 1st offense; pagbabayad ng P1,000 sa 2nd
offense at P1,500 sa 3rd offense o pagkabilanggo ng tatlong araw gayunman kung
wala itong kakayahang magbayad ay sasailalim sa community service.
Ayon kay Dr. Rodolfo Tejano, Municipal Health Officer,
ipinakalat sa buong bayan ang enforcers upang masiguro na mahigpit na
maipapatupad ang nasabing ordinansa.
Paliwanag ni Tejano, nabuo ang nasabing ordinansa sa bayan
kung saan natuklasan na manguna ang bayan ng Sta. Cruz sa mortality rate na may
kaugnayan sa paninigarilyo.
Sinabi naman ni Marinduque Vice-Governor Romulo Bacorro, Jr.
na huwag nang subukan o simulang manigarilyo dahil ‘pag naging bisyo na ito ay
mahirap nang iwasan.
Paliwanag ni Bacorro, alam niya ang magiging resulta dahil
isa siyang doktor.
Ang nabanggit na ordinansa ay ipinanukala ni Municipal
Councilor Alejandro Palamos na siya ring Chairman ng Health at suportado ng
DOH-MIMAROPA sa ilalim ng pamumuno ni Regional Director Eduardo C.
Janairo.
Sinuportahan din ng butihing Governor Nanay Carmencita Reyes ang Municipal Ordinance na ito ay tumulong siyang magdikit ng mga stickers sa pampublikong sasakyan upang mapalawak ang kaalaman ng lahat sa ordinansang ito.
No comments:
Post a Comment