Wednesday, October 29, 2014

Pagbati sa mga Octoberian Graduate


Binati ng ating butihing Governor Nanay Carmencita Reyes ang mga magulang nang mga nagsipagtapos sa Marinduque State College kasabay ng paghamon sa mga ito na lalo pang pa-igtingin ang suporta sa kanilang mga anak.

Hinamon ng ating butihing Gobernadora ang mga nagsipagtapos na agad na maghanap ng trabaho para matulungan ang kanilang mga pamilya.




Diskwento Caravan inilunsad!



Pinasinayaan ng ating butihing Governor Nanay Carmencita Reyes kasama ang ama ng Boac na si Mayor Roberto Madla ang muling pagbubukas ng Diskwento Caravan sa Boac Riverbed.




Tuesday, October 28, 2014

PESO-Marinduque, pinarangalan ng DOLE



BOAC, Marinduque, Nob 19 (PIA) --- Tumanggap ng pagkilala ang Public Employment Services Office (PESO)  ng Marinduque bilang top regional performer sa 3rd hanggang 5th Class Provincial Category sa nakaraang 14th National PESO Congress ng Department of Labor and Employment (DOLE).

Dahil dito, nangako sina PESO Officer Erma Reyes na pag-iibayuhin pa nila ang pakikipag-ugnayan sa iba pang opisina , establisimento at kumpanya para ang mga  kababayang walang pang trabaho ay may mapasukan.

Ang mga PESO tulad sa Marinduque ang nangunguna sa pagtatatanggol ng karapatang manggagawa, pagbubukas ng oportunidad sa kabuhayan at iba pang isyu sa paggawa.

Bukod dito, nag-iingat ng mga data ang PESO hinggil sa skills ng mga kababayan sa bawat lalawigan, lungsod at bayan. Handa rin magbigay ng pagsasanay gaya ng pangangapintero sa mga kababayan kabilang na rito ang mga out-of-school youth (mga kabataang nakatambay). Nagsisilbi din ang mga PESO na protektahan ang mga kababayan laban sa illegal recruitment.

Sa nakaraang PESO Congress, napansin ng kanilang mga kasamahan ang kahusayan ng PESO-Marinduque sa referral and placement, career coaching and counselling, job market info, skills registry at iba pang serbisyo.

Ayon kay Reyes, maganda ang relasyon ng PESO sa mga malalaking kumpanya gaya ng  Coca-Cola, mga construction companies, Bureau of Internal Revenue at maging ang Department of Social Welfare and Development na pare-parehong nangailangan din ng mga manggagawa.         
Naghahanda ngayon ang PESO Marinduque sa nalalapit na implementasyon ng mga pang-barangay na programa gaya ng Walang Tambay sa Barangay Program at PESO on Wheels para mabigyan ng skills o pagkakataon ang mga kababayang wala pang hanap-buhay hanggang ngayon. (LP/MNL/PIA4B/Marinduque)

Wednesday, October 22, 2014

Marinduque Farmers Field School


Sa Pakikipag-ugnayan sa Department of Agriculture, Ang opisina ng ating butihing Governor Nanay Carmencita Reyes ay naglunsad ng isang Programa para sa ating mga dakilang magsasaka. 

Ang FFS o Farmer's Field School na naglalayong turuan ang ating mga magsasaka sa tamang proseso ng pagpapalago at pagpapayabong ng mga tanim na hindi gumagamit ng anu mang kemikal o pestisidyo na nakakapinsala sa ating mga kapaligiran.

Tuesday, October 21, 2014

Lingap ni Nanay





Pinangunahan ng ating butihing Governor Nanay Carmencita Reyes ang pamamahagi ng Cash Grant para sa Lingap ni Nanay Program.


Ang programang ito ay naglalayong pahiramin sa ating mga kababayan ng pang puhunan sa kanilang negosyong ninanais. 

Blessing of New Capitol's Truck





Sa pangunguna ng ating butihing Governor Nanay Carmencita Reyes, Pinabendisyonan ang mga bagong truck na binili ng ating Kapitolyo para sa mas mabilis na serbisyo publiko.

Friday, October 3, 2014

Elderly Filipino Week Celebration


Ang ating butihing Governor Nanay Carmencita Reyes kasama ang ating abang lingkod Congresswoman Ate Gina Reyes ay dumalo kamakailan sa pagdiriwang ng Elderly Filipino Week Celebration na ginanap sa Brgy. Banahaw, Sta. Cruz, Marinduque.

Elderly Filipino Week Celebration Dance Performance

Ganda ng Lola Nyo Sta. Cruz Coronation

Namahagi din ang ating butihing Governor at Congresswoman ng Financial Assistance para sa ating mga lolo at lola.

Senior Citizen of Sta. Cruz, Marinduque
Senior Citizens of Buenavista




Wednesday, October 1, 2014

Financial Grants for TESDA Scholars



Sa pagtutulungan ng Opisina ng ating butihing Governor Nanay Carmencita Reyes, ating abang lingkod Congresswoman Ate Gina Reyes at Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ay namahagi ng Financial Assistance para sa ating masisipag na mag-aaral.